AT maya-maya pa ay lumapit si Azheer sa kanila kaya naputol ang pag-uusap nila. "Kumander Allhe, nakahanda na ang matuluyan nila." "Salamat, Azheer." "Walang anuman, Kumander Allhe." "Kamag-anak mo ba siya, Brigadier General?" curious na tanong nito. "Hindi. Si Azheer at ang kapatid niya ay biktima ng trafficking. Isa lang sila sa mga nailigtas namin." "Napansin ko pala, bakit kumander ang tawag nila sa iyo, at hindi brigadier general? Pasensya ka na pala medyo matanong ako. "Okay lang. No big deal. Kumander ang gusto kong itawag nila sa akin dahil iyon ang nakasanayan ko. Dati, bago sila naging sundalo ay binuo kami ng isang grupo at tinawag namin itong pardus force. At ako ang namumuno nito, kaya kumander ang tawag nila sa akin. At ngayon, kahit sundalo na kami ay buo pa rin