HINDI mapigilan ni Hadi na mapaiyak matapos marinig ang karanasan nila sa kamay ng mga kasamahan nila. "Tama lang pala na tumiwalag ka na, Tay. Dahil wala rin pa lang patutunguhan ang pinaglalaban ninyo," pahayag ni Hadi sa ama niya. "Bakit mo pala pinayagan ang anak mo na pumasok sa academy? Hindi mo ba alam na pwedeng masawi ang buhay ng anak mo doon?" "Sa samahan namin ay hindi ka puwedeng tumanggi sa desisyon ng founder. Dahil iyon ang tanging ambag namin sa organisasyon." "And I'm sure, may sangkot na pera?" turan ni Kumander Allhe. "Tama po kayo. Isang daang libo, pero kalahati muna ang ibinigay sa amin at kapag magtagumpay sila ay saka ibibigay ang kabuuang halaga," pag-amin ni Ka Hajeh, at sa harap mismo ni Hadi. "So… parang binili pala ang aming buhay, Tay? Hindi pala ka