HINDI agad umalis ang mga sundalo at hinihintay nila na tumawid ang mga rebelde. Ngunit nanatili lang ang mga ito sa kanilang kinatayuan. Pagkalipas ng ilang minuto ay ay nagpasya ang mga ito na umalis na lang. At saka pa lang umalis ang hanay ni Kumander Allhe. "Let's go!" utos niya. Nang makarating sila sa kampo ng militar ay nagpaalam na si Kumander Allhe, kay Major Lerio. "Dadalhin n'yo na sila sa Manila?" tanong ni major. "Kahit saan basta sigurado akong ligtas sila," tugon naman nito. Hindi sinabi ni Kumander Allhe kung saan niya dalhin ang pamilya ni Ka Hajeh. Dahil nag-alala siya na baka merong ispya sa loob ng kampo at maka-report pa ito sa kanilang founder. Pagkatapos magpasalamat ay umalis na agad sila at sumakay sa helicopter na pandigma. "Captain, sa Jolo, Sulu tayo!