KINABUKASAN ay balik sa normal ang buhay ng pardus force, maagang nagpunta si Kumander Allhean sa academy at kasabay nilang mag-asawa ang mag-nobya. "Sumama muna kayong dalawa sa akin," wika ni kumander. "Copy, kumander!" tugon ng dalawa. Napunta sila sa barracks ng pardus force kung saan naroon si Hadi sa barracks ng mga babae at si Azheer naman ay sa mga lalaki. Una silang nagtungo sa barracks ng mga babae, at nang makita sila ay dali-dali silang tumayo para magbigay galang. "Kumander, Colonel!" anila, at sabay silang nag-salute. Agad sinabi ni Kumander Allhe ang pakay nila. Sinabi niya kay Switlyne na sa simula sa araw na ito ay ililipat niya si Hadi sa dormitory nila upang maprotektahan ito laban sa mga komunista na nasa loob pa ng academy. "Huwag po kayong mag-alala, kuman