Nagpatuloy sa pagkukuwento si Albert III, habang ang ama niya ay seryosong nakikinig sa kanya. Sinabi niya kung kailan siya niligtas mi Switlyne at ito 'yong dinukot siya noon. "Nagmamadali akong pumunta sa academy, upang puntahan ang aking kapatid. Dahil nakarating na sa akin ang nangyari kay Ate Allhean. Nang papalapit na ako sa gate ng academy, mayroong isang itim na sasakyan ang humarang at bumaba ang apat na lalaki na parehong naka-bonnet na itim. Nang malapit na ang mga ito ay biglang binaril sa ulo ang aking drayber at agad binaling sa kanya ang atensyon ng apat." "Baba!" "Sino kayo?! Ano ang kailangan ninyo sa akin?!" "Wala kaming oras para sagutin ka, baba!" Nang matapos magsalita si Albert III, ay si Switlyne naman ang nagsasalita. "Sa isang abandonadong lugar na malayo