Muling bumalik sa eskwelahan sina Belle at Clifford para sunduin ang mga bata, at dahil ilang sandali na lang at lalabas na din si Fritz ay hinintay na din nila ito. Napagdesisyunan nila na dumaan sa apartment na tinitirahan nina Manang Lucing at Mr. Steve bago sila tuluyang umuwi. Dumaan sila sa isang restaurant para magpa-take out na lang ng pagkain na madadala kina Manang. Nasurpresa naman si Manang Lucing sa hindi inaasahang pagbisita nila. "Sana nagpasabi man lang kayo dadaan kayo." sabi ni Manang na tuwang-tuwa. "Eh Manang biglaan po kasi. Saka may biglaan din kaming sasabihin,sa 'yo." sagot ni Belle. "Hi Mr. Steve. How's life here in the Philippines so far?" bati ni Belle sa ka-live in ni Manang. "It's great. It's fun. It's more than i expected." sagot ni Steve. Iniwan pansam