"Nananaginip ba 'ko?" sabi ni Belle sa kanyang sarili pagkagising kinaumagahan. Tinampal-tampal pa niya ang mukha para makasigurong hindi 'yun isang panaginip. Mahimbing pa din ang pagkakatulog ng dalawa niyang alaga. Sinipat niya ang kabilang kama at naalala niyang bigla na sa kwarto niya natulog ang kanyang amo. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagbaba ng kutson at paglabas ng kwarto. Sinubukan niyang buksan ang pintuan ng kwarto niya, hindi 'yun nakakandado kaya't dahan-dahan niya 'yung binuksan. Sa kanyang pagsilip ay nakita niya si Clifford na nakabaluktot pa din na parang hipon at may unan na nakaipit sa dalawang hita nito. Sinara niya agad ang pintuan at tumuloy na siya sa ibaba para simulan ang pang-araw araw niyang gawain. Para siyang sumasayaw sa bawat kilos niya. Hindi pa din ni