"Akala ko ba pangarap mo 'ko? Tapos ngayon hindi ka naman makasagot. Parang hindi na yata 'ko naniniwala." dugtong ni Clifford habang hindi pa sumasagot si Belle. "Eh kasi po sir...p-parang napilitan lang po kayo. 'Di ba dapat m-may ligawan muna." nahihiyang sagot ni Belle. "Hah? 'Di ba one week na kong nagpapadala ng flowers sa 'yo? Hindi pa ba okay 'yun?" turan ni Clifford. "S-sir s-sabihin na nating may gusto nga po ako sa 'yo, p-pero hindi naman po pwedeng ako lang. D-dapat po the feeling is mutual." unti-unting lumalakas na ang loob ni Belle na sumagot sa amo. "That's why i sent you flowers the whole week." mabilis na tugon ni Clifford. "Yun na po 'yun? Ligaw na po ba sa inyo 'yun sir?" Tinitimbang ni Belle kung seryoso ang amo sa sinagot nito. "Hmm. Oo. Eh ano tawag mo 'dun?"