Hindi pa din maintindihan ni Belle ang kanyang nararamdaman dahil na sa nabasang sulat galing sa amo. Tinatanong niya ang sarili kung seryoso ba ang sir Clifford niya sa sinasabi nito sa sulat. Kung totoo man, bakit hindi nito sabihin sa kanya ng diretsahan. Isa pang ipinagtataka niya ay bakit hindi niya maramdaman ang saya, imbes ay parang kinakabahan siya o takot na dahil sa mga nagdaan niyang relasyon. Inaamin niya na may gusto siya dito nuon pa man, kinikilig din siya pero bakit hindi niya ngayon maramdaman 'yun. Nayayamot siya dahil wala si Manang na maaari sana niyang mapagsabihan. Mahabang paliwanagan 'yun at alam niyang hindi pwedeng idaan sa telepono ang nais niyang sabihin dito. Alam niyang wala naman siyang makukuhang magandang payo mula kay Apol kapag tungkol sa ganoong baga