Chapter 59

2360 Words

Paggising kinaumagahan ay hindi agad lumabas ng kwarto si Belle. Una niyang inilabas ang ulo sa pintuan at nakikiramdam kung nanduon pa ang amo. Dahan-dahan siyang bumaba. Mula sa hagdanan ay sinipat niya agad sa bintana ang garahe. Nang matanawan niyang wala na ang kotse ng amo ay tuluyan na siyang bumaba at kumilos ng maayos. Dahil nag-iisa na lang siya at tulog pa ang mga alaga, maliksi niyang ginawa ang mga dapat gawin. May listahan siyang ginawa at idnikit niya 'yun sa pintuan ng refrigerator. "Magluto ng breakfast at magtimpla ng gatas."  sabi ni Belle sa sarili. Mabilis naman ang ginawa niyang pagluluto ng itlog at chicken nuggets. Nagtimpla na din siya ng gatas at tinakpan na muna niya 'yun pansamantala. "Pakainin sina tonyo at tonya." Takbo agad siya sa labas upang pakainin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD