Chapter 58

1659 Words

Pakiramdam ni Belle ay isang pamilya sila mula sa pagsisimba hanggang sa pamamasyal. Hindi niya naramdamang yaya siya ng mga bata dahil 'yun ang ipinapakita ng amo sa kanya. Parang siya na ang ina ng mga ito. Madalas na din na siya ang nagluluto dahil sa inihahanda na siya ni Manang sa nalalapit na pag-alis nito. Ikinatutuwa naman ni Belle dahil nagugustuhan ng mga alaga ang luto niya maging ni Clifford. Maging sa pagbili ng mga bagong damit ay ikinokunsulta pa ni Clifford kung bagay o maganda ba iyon para sa mga anak, sa pagpapagupit ay kasama din si Belle. Siya na din ang nagpuputol ng mga kuko nito na dati ay dinadala pa ni Clifford sa manikurista dahil hindi rin siya marunong maggupit ng kuko ng iba. Nang dahil duon ay mas lalong napalapit sa puso ni Belle ang mga bata. Minsan ay nal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD