Chapter 57

1638 Words

Habang kumakain ay nagpatawag na si Clifford ng taxi na masasakyan nina Dwayne at Aubrey. Hindi naman nagtagal at dumating na ito sa tapat ng kanilang bahay. Tapos na din silang kumain ng mga sandaling 'yun. "Oh paano kuya...Belle, tatawag na lang ulit kami." umakma na sa pagtayo si Dwayne. Sinabayan na din ni Aubrey ng pagtayo si Dwayne. "Mauna na kami. Salamat ha. Belle, salamat ulit. Apol, iwan ka na din namin." Ngumunguya pa sa huling subo niya si Apol. "Teka baka naman pwede na kong sumabay sa inyo. Kahit hanggang EDSA lang. Tiyempuhan din kasi 'yung shuffle dito." mabilis na sambit ni Apol. "Shuttle hindi shuffle." sundot agad ni Belle. "Saka teka 'yung ipapadala ko nga pala. Wait." tumayo agad si Belle at pumasok sa loob ng bahay. "Ayan ka na naman. Sabi ng pareho na 'yun eh."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD