"Mama Belle i'm sleepy." si Fritz nang palabas na sana ng garden si Belle. "Me too mama Belle." dugtong din ni Pieter. Lumabas saglit si Belle para sabihin kina Dwayne at Aubrey na maglalabas ng meryenda si Manang. Binalikan niya ang mga bata para patulugin ito sa kwarto. "Kuya hindi pa din ako makapaniwala na kayo ni Belle. I mean hindi mo man lang sinabi kay Mama o sa 'kin. I was expecting na wala nga siya dito pagdating namin. 'Di ba babe?" si Dwayne. "Oo nga kuya." sagot ni Aubrey. Tumingin muna saglit sa pintuan si Clifford bago ito sumagot. Ayaw niyang marinig ni Belle ang isasagot sa dalawa. "Realization. Nag-isip ako minsan nung nagkahiwalay kami ni Kelly. My kids missed their mama Belle so much. Simple lang kasi siya. Hindi man siya mukhang artista or model, hindi rin sociali