"P-pasok kayo." pilit na pilit ang pagkakangiti ni Belle. Binigyan lang niya ng madadaanan si Dwayne at si Aubrey pero hindi pa din siya nakakaalis sa kinatatayuan. "Upo kayo." dugtong niya ng makapasok ang dalawa. "N-nasaan si Kuya?" Lilinga-lingang tanong ni Dwayne. Hindi pa din makasagot si Belle dahil unang-una, hindi niya alam kung nasaan nga ang amo. Pangalawa ay hindi pa din siya makalagpas sa naramdamang pagkabigla. Magsasalita na sana si Belle nang biglang pagsulpot ng amo niya sa pinto. Hinihingal at pawisan pa din ito. "Bro kayo pala 'yan. Nakita ko ng may pumasok sa gate nung medyo malayo pa ko. Kaya instead of jogging napatakbo tuloy ako. Napasyal kayo? Wala man lang kayo pasabi ah." bungad ni Clifford. "Ah oo kuya, kakausapin kasi namin 'yung mga relatives niya regarding