"Kids i've got a suprise." masayang salubong ni Clifford sa mga anak na nasa sala habang kasama si Manang Lucing. "What is it Daddy?" tanong ni Fritz. Tumitingin naman si Pieter sa mga kamay ng ama niya pero wala naman itong dala. "Come in." baling in Clifford sa pintuan. Biglang lumabas si Belle na nakakubli sa gilid ng pinto. "Mama Belle Mama Belle." nag-uunahang takbo ng mga bata sa kinatatayuan ni Belle. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mga bata pagkakita kay Belle. Bahagyang naluha si Belle sa nakita niyang reaksyon ng mga alaga niya. Salitan niyang pinaghahalikan ang mga ito. Mahigpit ang yakap ng mga bata, sing-higpit din ng yakap niya. "I miss you Fritz.. I miss you too Pieter." habang patuloy sa paghalik si Belle. "We misd you too Mama Belle, please don't leave us again.