"Sir Clifford?!" sabay na gulat na bigkas ng magkaibigan. "Can i join your table?" tanong ni Clifford. "S-sige po sir. Upo po kayo. Kayo lang po ba mag-isa?" tanong ni Belle na hindi pa din nawawala ang pagkabigla. "Oo ako lang. Iniwan ko kay Manang ang mga bata." sambit ni Clifford. "Eh s-saan po ang punta n'yo n'yan?" nauutal pa ding tanong ni Belle. "Actually, i was calling your phone pero ring lang siya ng ring. Walang sumasagot, kahit kay Manang pinatawagan din kita. Bakit ba ayaw mong sagutin? Galit ka ba sa 'min?" nakangiting turan ni Clifford. "Then nagpunta ko sa inyo sabi wala ka nga daw at kasama mo nga si Apol. So inisip ko lang na baka dito nga kayo nagpunta, if ever na hindi ko kayo nakita ibibili ko na lang ng toys 'yung mga bata para hindi naman masyadong mafrustrate