"Baka naman may nagawa kang mali Bellisima kaya tinanggal ka na sa trabaho ng amo mo?" ang nanay ni Belle ng naipasok na nito lahat ng gamit niya sa bahay. "Hindi po 'Nay. Nag-asawa na po kasi ulit si sir kaya po hindi na din ako kailangan du'n." sagot ni Belle. "Ate, parang namumugto pa 'yang mga mata mo. Umiyak ka ba?" pansin ni Alona. "'Yung mga alaga ko kasi humahabol pa naiyak tuloy ako. Napamahal na sa 'kin mga 'yun." namuo ulit ang luha ni Belle. "Ate, ayan oh naiiyak ka na naman." puna naman ni Pancho. "Oo nga ate. Iiyak na 'yan oh." singit naman ni Bruno. "Iiyak na 'yan... Iiyak na 'yan... Iiyak na 'yan." sabay-sabay na kantiyaw ng mga kapatid ni Belle. Imbes na maiyak ay natawa na lang si Belle pagpatak ng namuong luha sa mata niya. "Puro talaga kayo bugok." hinampas ni B