"Manang manang!" tarantang turan ni Belle kinaumagahan. "Oh anong nangyari sa ' yo?" pag-aalalang tanong ni Manang habang naghahanda ng almusal sa kusina. "Manang galing ako sa likod, papakainin ko si Dwelle pero wala na siya dun. Pati 'yung kulungan niya wala din." humihingal pang saad ni Belle. "Ah oo nga pala. Hindi ko agad nasabi sa 'yo. Dinala na ni sir. Ipamimigay na daw niya sa opisina. Ilalayo na daw sa 'yo." sagot ni Manang. Balisa pa din si Belle. "Hah? Eh bakit daw po? Wala naman akong allergy sa aso. Saka malayo naman sa mga bata." "Galing daw sa kapatid n'ya 'yun. Tiyak daw na lagi mo lang maaalala si Dwayne kapag nand'yan pa si Dwelle. Hindi na ipinagpaalam sa 'yo at malamang na hindi ka daw papayag." muling sagot ni Manang. Hindi naman agad nakakibo si Belle. "Hayaa