"Talaga? Sinasagot mo na ko? Seriously?" si Dwayne nang minsang nag-videocall ulit ito kay Belle. "Oo nga. Ene be? Eyew me be?" kinikilig namang sagot ni Belle habang hawak ng isang kamay ang cellphone at ang isang kamay naman ay pinanghawi ng buhok niya upang ikawit sa tenga. "Wow, it's a big surprise on me Belle. Thank you. Hindi ko ma-explain 'yung feelings ko ngayon." masiglang-masigla ang mukha ni Dwayne. Animo'y hindi pa din makapaniwala sa sinabi ni Belle. "Ayan ka na naman, OA ka na naman ha. Eh ang galing mo kasing mangulit po." panay pa din ang pagpapa-cute ni Belle sa cellphone. "Sino 'yang kausap mo at masayang-masaya ka ha?" tinig na narinig ni Belle at nakakasiguro siyang si mam Lucia 'yun dahil nakilala niya sa pagsasalita ito. "Ma, si Belle po. Sinagot na po niya ko. E