Ilang araw pa ang lumipas at handa na si Clifford sa gaganaping fashion show. Isang malaking pagkakataon sa kanya ito upang mas lalong makilala sa larangan ng pagmomodelo lalo na at kasama niya ang sikat na modelo at ngayon ay girlfriend na niyang si Kelly McBosh. Ilang beses na din siyang rumampa sa entablado pero ito ang una niyang pagkakataon na rumampa na underwear lang ang suot. Kumpiyansa naman siya sa kanyang katawan dulot ng kanyang pag-eehersisyo araw-araw at pantay na ulit ang kulay ng balat niya na maputing mamula-mula. "Belle what do you think? Pwede na bang irampa 'tong katawang 'to?" minsan isang umagang datnan ni Belle na nag-eehersisyo ang amo niya. Muli na naman niyang nakita ang katakam-takam na katawan nito na parang perpekto ang pagkakahubog. Hiningi pa din ni Clif