Chapter 45

2226 Words

Ikinagulat din nina Fritz at Pieter ang pagdating ng kanilang Uncle Dwayne lalo na sa dala nitong si Dwelle. Maghapong paglalaro lamang ang kanilang ginawa dahil wala namang pasok sa paaralan ang dalawang bata. Hindi na ito nakatulog ng hapon at pansamantalang hindi nakapag-tutor si Belle dahil sa paglilibang ng mga alaga niya . Dahil sa hindi pagtulog ng hapon, ay maagang nakatulog kinagabihan ang mga bata. Nagkaroon naman ng pagkakataon makapagkwentuhan sina Belle at Dwayne habang si Manang ay nagliligpit na sa kusina. "Anong oras dumarating si Kuya?" tanong ni Dwayne habang nasa sala sila ni Belle. "Dapat nandito na 'yun kasi last day ng rehearsal nila kagabi. Maya-maya lang darating na 'yun." sagot naman ni Belle. "Kamusta naman sila ni Kelly? Napunta na ba siya dito?" si Dwayne.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD