Gaya ng sinabi ni Dwayne, naging araw-araw ang pagtawag nito kay Belle. Masuyo itong nanligaw kahit na magkalayo sila. "Is that Dwayne?" nang minsang datnan ni Clifford si Belle na may kausap sa cellphone. Tinakpan muna ni Belle ang mouthpiece ng cellphone bago ito sumagot. "Opo sir." "Pwede bang makausap?" nakangiting tanong ni Clifford. Nabanaag agad ni Belle na masaya ang bukas ng mukha ng amo niya at mukhang may magandang ibabalita sa kapatid. Inabot niya ang phone niya pagkasabi kay Dwayne na nais siyang makausap ng kuya niya. "Hello bro. What's up?" bungad ni Clifford. "Okay lang Kuya. Dami pa ding guest. Kaya busy araw-araw. Ikaw kamusta na? Kayo na ba ni Kelly?" sagot ni Dwayne. "Yan nga reason kaya hiniram ko kay Belle itong phone niya." sumulyap muna si Clifford kay Bell