"Belle hatid na kita. Ang dami mo palang dala." si Clifford ng kinumagahan na gumagayak umuwi si Belle. "Paano po mga bata sir?" tanong ni Belle na nagsusuklay na ng buhok niya habang nakaharap sa salamin sa sala. "Isasama ko na. Tapos puntahan namin si Kelly. Baka manuod kami ng sine. Nagyaya mag-mall si Kelly eh." "Ganon po ba sir? Teka po bihisan ko lang po mga bata." Napabilis ang pagsusuklay ni Belle pagkatapos ay kumuha na ng mga pares ng damit na isusuot ng mga alaga. "Mama Belle, are you not coming with us?" tanong ni Frtiz. "Daddy, why Mama Belle can't go with us?" baling pa nito sa ama. "Fritz, Mama Belle has her own family. So she has to come home once a week to look for her family. And of course, her family misses her too." paliwanag ni Clifford sa anak. "Can't she jus