"Bakit ang tagal mo namang nakabalik?" si Dwayne. "Ah eh sinilip ko lang 'yung mga bata Dwayne. Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ni Belle. "Hindi pa. Kahit nga hindi ako makatulog basta kasama kita magdamag eh." si Dwayne. "Dwayne over na 'yan ha. Sobra ka na." umirap pa si Belle. "Kulang pa nga 'yun eh. 'Di ba you want me to prove na sincere ang sinasabi ko?" "Iiihh... sige oo na nga naniniwala na nga ako." nagpalupot na naman ang mga braso ni Belle. "Aalis na kayo bukas wala bang goodbye kiss d'yan?" biro ni Dwayne. "Dwayne ha, ang bilis mo naman masyado. Hindi ka pa nga nanliligaw eh." inarte pa ni Belle ang bibig sa pagsasalita,sabay ikot ng mata. "Dapat kasi hindi ka na nagpapaalam. Laplapin mo na ko. Kunwari ayoko." sabi ni Belle sa isip niya. ""Ah sorry. Sige tulog na tay