Kahit mag-isa ay nagpatuloy si Belle sa paliligo sa dagat. Mag-isa nitong inaaliw ang sarili. Kahit na hindi siya marunong lumangoy ay masaya na siya na inilulubog ang katawan sa tubig. Nangingiti si Clifford habang pinagmamasdan si Belle. Natutuwa siya sa simpleng kaligayahan pero para kay Belle ay parang napakalaki na nun. Naalala niyang bigla si Steph. Isang bagay ang ikinagusto niya sa namayapang asawa ay ang pagiging simple nito. Mukha lang sopistikada at suplada si Steph dahil lamang sa propesyon nito. Pero nang nakilala niyang lubusan si Stephanie, minahal niya ito sa pagiging kuntento kung anong bagay man ang mayroon siya. Hindi ito gumaya sa mga kasabayang modelo na mahilig sa mga mamahaling mga damit, gamit at alahas. Sayang lang at hindi niya naagapan ang sakit ni Steph. H