Nagtapis muna ng tuwalya si Belle sa ibabang parte ng kanyang katawan habang hawak ang dalawa pang tuwalya para naman kay Pieter at Fritz. Sabay lumabas ng kwarto si Manang at Belle at tinungo na nila ang likod-bahay kung saan naroroon ang dalampasigan. Napansin agad ni Belle ang kanyang amo na nakaupo sa isang cottage at pinanunuod ang mga anak na nakikipaglaro sa pinakagilid ng dagat kung saan humahampas ang maliit pang alon. Naisip ni Belle na duon muna sa mesa ng cottage na kinauupuan ni Clifford iwan ang mga tuwalya niyang dala maging ang nakatapis sa kanyang tuwalya. Bahagya pang nagulat si Clifford ng batiin siya ni Belle. "Sir, dito ko po muna iiwan 'yung mga towels ng mga bata." bungad niya sa bahagyang nagulat na amo. "Pati na din 'yung akin Belle isama mo na din.". habol n