"Oh Belle d'yan ka na pala. Hanap ka ng mga bata. Gusto kasama kang nanunuod ng tv." si Clifford na nabungaran ni Belle na nakaupo sa isang cottage malapit sa bahay. "Ah sige po sir. Puntahan ko na po." sagot ni Belle "Saan ka nga pala galing?" Napahinto saglit si Belle sa tanong ng amo. "Diyan lang po, naduwende po yata ako." sagot ni Belle "Ano?" napaupo bigla si Clifford mula sa pagkakasandal. "Ah eh ibig ko pong sabihin Dwayne. Kasama ko po si Dwayne. D'yan po sa tabing dagat." "So where is Dwayne now?" "Nawala po eh. Nag diving yata. Bigla po nawala. Sige po sir puntahan ko na po mga bata." tumalilis na si Belle matapos magpaalam sa amo. Napapaisip si Clifford sa pagiging malapit agad ni Belle sa kanyang kapatid. Pero hindi niya gaanong binigyan ng pansin 'yun. Natutuwa siya