Maagang gumising si Clifford para yayain ang lahat na maligo sa dagat. Nais niyang samantalahin ang mga nalalabing araw ng kanilang bakasyon sa paliligo at kasiyahan. Habang abala si Manang sa paghahanda ng mga dadalhing pagkain sa cottage, si Belle naman ay muling iginayak ang kanyang nag-iisang swimsuit para muling suotin. "Oy Belle bilisan mo d'yan." sabi ni Manang at bigla nitong napansin ang hawak ni Belle. "Baka naman tumayo ng mag-isa 'yan Belle. Wala ka bang ibang masusuot?" "Manang naman isang beses ko pa lang nasuot 'to nung unang araw natin, saka nalabhan ko na 'to." sagot naman ni Belle na akma ng papasok ng banyo para magpalit ng pangligo niya. "O bilisan mo naka-ready na 'tong lahat." sigaw ni Manang para marinig ni Belle na nasa banyo. Kahit malapit lang ang bahay ay