Tuwing nakakakita ng pagkakataon ay lumilipat si Dwayne sa bahay para makipaglaro sa mga bata at makasama si Belle. Samantalang tapos na din ang photoshiot nila Clifford at Kelly at kasalukuyan na lamang sila namamasyal. Hanggang sa umabot ang gabi at nakatulog na ang mga alaga ni Belle. Naroon pa din si Dwayne para makipagkwentuhan kay Belle. "Doon na lang tayo sa likod para mahangin Belle tutal naman tulog na 'yung mga bata." yaya ni Dwayne. "Sige." sagot ni Belle at sabay nilang tinungo ang likod-bahay kung saan tanaw nila ang dagat. Naupo sila sa tig-isang beach sling chairs na may malaking payong na sumasakop dito. "Anong oras kaya makakabalik sila Kuya?" bungad ni Dwayne ng makaupo na sila. "Wala namang sinabing oras. Saka twelve hours yata ang rent nila sa yate kaya sinusulit