“Mom! Alis na po ako!” Nagmamadaling lumabas ang dalaga sa bahay upang mag-abang ng masasakyan. Ilang araw narin ang lumipas mula noong huli niyang nakasabay ang pinsan. Hindi magkasabay ang schedule nila ngayong linggo kaya naging madalas na ang paggising ng umga ni Anne. Agad na pinara ni Anne ang taxi na papalapit sa kanya ngayon. Kalaunan ay nakarating narin ito sa paaralan. Agad itong nagtungo sa elevator at saka dumiretso na sa unang asignatura. Ang matimatika. Nang makarating sa silid, napakunot noo na lang si Anne nang mapansing wala pa sa upuan ang binata. Marahang umupo ang dalaga sa upuan nito at maya-maya pa’y nagsimula naring magturo ang professor. Habang abala sa pakikinig ay agad na nakuha ang atensyon ni Anne nang tumunog ang telepono nito. Napakunot noo ang dala