HALOS alas-nuwebe na ng gabi nang matapos ang shooting namin. Natapos ko na konti lamang ang naging problema ko. Kaya masaya ako sa commercial shoot na ginawa ko, buti na lamang ay pinilit ko nila daddy Leif. “Thank you so much po, Monica!” sabi kay Monica at yumuko sa kanya. Kung ʼdi dahil sa kanya ay hindi ako magiging komportable habang nagsho-shoot kanina. “Wala po iyon, Kathleen! Sana mayro'n ulit sa susunod. Napaka-professional niyo po kanina kaya konti lamang ang mali kaysa roon sa maarte na Candice na iyon. May ginawa po ba sayo iyon habang wala kami kanina?” Mahinang sabi niya sa dulo at palihim na tumingin kay Candice. Napangiti ako sa kanya. “Um, wala naman po.” I lied. Tumango siya sa akin. “Mabuti naman po, Kathleen. Masama raw ang ugali niyan, feeling niya po mataas a

