DAMING nangyari sa akin sa nakalipas ng ilang buwan. Hindi ko nga maisip na totoo ito, na official na kaming mag-boyfriend and girlfriend ni daddy Leif, na hindi ko maisip na mangyayari sa akin. Nakangiti akong nakaharap sa salamin na mayro'n dito sa aking locker. Sinusuklay ko ang aking buhok at saka ito pinusod nang maayos para naman presentable akong haharap kay daddy Leif. Hindi ko alam pero excited na akong makita siya. “Oh, well, nandito na pala si Kathleen at nag-aayos siya ng kanyang sarili. Bakit Kathleen lalandiin mo na ba si Sir Leif dahil naaamoy mong papalitan na kita sa pwesto mo?” Napatigil ako sa aking pag-aayos nang makita at marinig ko ang boses ni Lotty. Nasa hamba siya ng pinto ng locker room at naka-pameywang siyang nakaharap sa akin. Iniwas ko na lamang ulit ang t