NAKAHARAP ako ngayon sa maliit naming television. Hinihintay ko ang aking hudyat na makapagpaalam kay Mama at sasabihin ko na rin sa kanya na may boyfriend na ko. Gusto ko na rin ipakilala si daddy Leif kay Mama, nakakahiya naman kasi para sa kanya. Ako, pinakilala na niya ako pero siya never ko pang dinadala rito. Paano ba namin kasi hindi siya bagay sa bahay namin. Huminga na muna ako nang malalim at saka ako tumayo sa pagkakaupo ko. Tumungo na ako sa k'warto ni Mama at hinawi ko na ang kurtina. Napatingin sa akin si Mama at nagtataka ang kanyang mukha. “Bakit, Kathleen?” Takang tanong niya sa akin. “U-um... M-mama, a-ano po kasi... M-mawawala po ako ng threedays mayro'n po kaming outing sa Friday hanggang Linggo po.” Kinakabahan kong sabi sa kanya. “Kathleen, matanda ka na, alam mo