ALAS-SAIS pa lamang ng umaga nang magising na ako. Mulat na mulat na ang akin mga mata at nakaupo na ako rito sa mono block chair namin, nakapagtimpla na rin ako ng aking kape kahit mamayang alas-diyes pa ako pinapapunta roon ni Kuya Steve ayon kay daddy Leif. Kahapon pa ako kinakabahan nang malaman kong pauwi na si daddy Leif kagabi, at paniguradong nandito na siya sa Pilipinas. Ano kaya ang sasabihin niya mamaya? Naalala ko kasi kanina sa panaginip ang sinabi niya noon, kapag inaway at inapi pa ako ay sasabihin na niya ang tunay na relasyon naming dalawa. Iniling ko ang aking ulo at pinakalma ang aking sarili. Kailangan natin kumalma, Kathleen, kailangan natin, okay? Kaya para mawala ang kabang nararamdaman ko ay inubos ko na ang kapeng tinimpla ko. Nag-unat-unat na muna ako at sak