NATAPOS ang araw ko sa Karinderya ni Aling Florida at mabuti na lamang ay wala akong nagawang mali sa panunukli. Ginawa ko ang lahat para hindi nila malaman na may problema ko, para na rin hindi ako magdulot ng problema rin dito. Ayoko na ng isa pang problema, tama ba muna iyon. Bagsak ang aking balikat nang makauwi ako sa bahay namin. Nanghihinayang pa rin ako dahil ayokong umalis sa work ko. Hindi ko tuloy masabi kay Mama at sa dalawang kapatid ko na natanggal ako sa trabaho ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin. “Ate Kathleen, ayos ka lang po ba?” Napataas ako ng tingin nang makita ko si Francis, nakasilip siya sa aking mukha. Nakapanlubaba kasi ako sa lamesa namin. “May nangyari po ba sa inyo?” Pagpapatuloy niyang tanong sa akin. “Hindi niyo pa po kasi ginagalaw ang pagka