NAGING mabilis ang byahe namin ni daddy Leif at nakarating na kami sa Mansion nila. Pero, bumungad sa amin na wala ang parents niya at pinuntahan daw ang bunso nilang kapatid, kaya si Lennore lamang ang nandito. Kaya nagpasya kaming tumambay sa swimming pool area nila daddy Leif, dito namin piniling mag-stay na muna kasama namin si Lennore na lumalangoy na sa mala-olympic nilang swimming pool. “Ate Kathleen, tara na po! Swimming na po tayo!” Tawag sa akin ni Lennore habang nasa swimming pool siya ngayon. “Yes, baby, bakit hindi ka na lang muna mag-swimming? Habang hinihintay natin sila mommy na dumating.” Napalingon ako kay daddy Leif nang sabihin niya iyon sa akin. Napaisip ako sa kanyang sinabi. “Um, ʼwag na po, daddy Leif. Ayos lang po ako rito.” Tanggi na sabi ko sa kanya. “Wh

