MAY naramdaman akong dumagan sa aking tiyan, dahil naramdaman ko ang bigat sa parteng iyon. “Hmm... Daddy Leif... I-iyong kamay niyo po nasa tiyan ko, ang bigat!” sabi ko sa kanya at tinanggal ang kamay niya sa aking tiyan. Tumalikod ako sa kanya at gumawi sa kabilang side. Makakatulog na sana ulit ako nang may makapa sa side kung saan ako humarap. May nakakapa akong matigas, para malaman ko kung tama ba ang nakakapa ko ay pinisil ko iyon, baka kasi ay unan lamang iyon. Kumapa-kapa pa ako hanggang pumasok sa isipan ko na matigas talaga ang aking nararamdaman at hindi na unan ito. Napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko at nakita ko ang dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid ko. “T-teka...” Nakatingin ako sa kanila, salitan. Tama ang nakikita ko, ʼdi ba? “Waaah! A-anong nangyayari?”

