ILANG linggo na ang nakakalipas nang malaman ko ang dark secret ng mga Smith. Pero, sa ilang linggo na iyon ay hindi ko pa rin talaga maisip na magiging dalawang ang boyfriend ko at hindi lamang iyon dahil si Lennox na crush ko ay boyfriend ko na rin. Ano kaya ang ginawa ko nu'ng past life ko para bigyan ako ng gwapong boyfriend, hindi lamang isa kung ʼdi dalawang gwapong boyfriend? Sobrang lucky ko pero at the same time ay kinakabahan dahil dalawang ang boyfriend ko. Lalo na kay Lennox, idol at sikat na artista si Lennox. Nakakabaliw kapag lumabas ang balitang may girlfriend na si Lennox, lalo na kung malaman nilang simpleng babae lamang iyon. Pustahan, magagalit ang mga babaeng fans niya at fans nila ni Candice. Paano na ito kung malaman nila, ʼdi ba? Ano na lamang ang gagawin ko?

