YAKAP ako ni tita Luna habang umiiyak. Hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil sa mga narinig ko. Kung ʼdi dahil sa akin ay hindi mapapahamak si Mama at mapupunta ngayon sa operating room. “Baby, pupuntahan ko lamang sina dad and daddy. Tutulong ako para mapabilis ang pagsampa ng kaso sa kanila.” Kausap sa akin ni daddy Leif. Napatingin ako sa kanya at tumango ako. “D-dito po muna ako... Hihintayin ko pong lumabas ang doctor sa operating room. A-ayoko pong naiwan ang mga kapatid ko rito...” Mahinang sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Stay here, okay? Tell me kapag may naging problema. I love you more! Magiging okay rin ang lahat. Pinapangako namin sayo iyan.” Pinaglapat niya ang aming noo sa isa't-isa. “Babalik din agad ako.” Pagpapatuloy niyang sabi sa akin kaya tumango ako

