GANOʼN pa rin ang position namin ni daddy Leif. Humahagulhol pa rin ako sa iyak habang nakabaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Ang sikip ng dibdib ko ngayon. Nanginginig din ang aking buong katawan dahil sa nangyari sa amin. Bakit kailangan humantong sa ganitong pangyayari? Bakit kailangan pang mamatay ni Mama? “Baby, magiging okay rin ang lahat. Nandito lang kami, kailangan ka ng mga kapatid mo. Magiging matatag at matapang ka para sa kanila.” Naririnig ko ang sinasabi ni daddy Leif. Doon ko naalala sina Francis at Katrina, paano na sila ngayon? Paano na sila kung wala na si Mama? Ako na lamang ang mayroʼn sila. Kaya hindi ko hahayaan na maging sila ay maging malungkot. “Leif! Kathleen! Anong nangyari kay Katie?” Napalingon kami nang marinig namin ang boses ni tita Luna. Nakita

