HALOS dalawang oras lamang ang tinagal namin sa Mall ni Rachelle at nakauwi na rin kami agad, hindi na nga kami kumain ng lunch doon at bumili na lamang ako ng bucket of fried chicken para sa ulam namin ngayong tanghali at dinner. Pagkarating ko agad sa bahay ay nagpalit na rin ako ng pambahay, tinulungan ko na sina Francis at Katrina sa pagtitinda. Wala pa naman gaanong customer pero kailangan ko pa rin silang tulungan lalo na ako ang ate sa aming tatlo. Nang mag-tanghalian ay pinauna ko na sina Francis at Katrina na kumain, alam kong gutom na sila. Kaya ako muna ang naging tao rito. “Ate ganda, pabili po ng footlong!” Napatingin ako sa batang babae, siya iyong may idol sa Starlight. Kinuha ko ang bayad niya at nilista sa notebook namin. “Sandali lang, ha?” sabi ko sa kanya at nil

