"NICA!" sambit niya sa pangalan nang nobya. Nakaramdam siya ng pagkahilo dahil sa agaran pagkakatayo, pero kailangan niyang umuwe dahil alam niyang naghihintay na ang nobya. Mabilis din siyang naupo dahilan ila siya mabubuwal. Naalala pala niyang Red label ang pinainom sa kaniya ni Julieta. Ang alak na ayaw na ayaw niya, dahilan 'yun ang kalaban niya. Hindi niya kayang labanan ang alak na iyon dahilan sobrang lakas ng tama pag 'yun ang ininom niya. Napaupo muli siya sa sopa habang hawak ang noo. "Wait, kaya pa ba?" lapit nito sa kaniya at hinilot hilot ni Julieta ang noo niya. Mabilis na winaksi niya ang kamay nito na sana ay hihilutin nito ang hawak niyang noo. "Thanks kaya ko pa. Medyo nahilo lang ako." paliwanag niya. "Magpahinga ka muna. Meron naman isang restroom dito, dito ka