"SAAN BA TALAGA TAYO pupunta?" nangungulit nitong tanong sa kaniya. Simula kase na nagbibihis sila hindi na siya nito nilubayan sa pagta tanong, hanggang sa pag drive niya ng sasakyan at lulan sila nito iyon parin ang tanong sa kaniya. Matamis niyang nginitian ito. Tanging yun lang ang naisagot niya mula dito. Nakita niyang nagsumiksik ito sa kinau upuan na parang ramdam niya ang pagtatampo nito ng hindi niya sagutin ang mga ibang ulit na tanong nito. Hinayaan niyang maging ga'non ang dalaga. Hindi niya puwedeng sabihin ang magandang sikreto. Nagawa na niyang ilagay muli ang simcard ng makatulog ang dalaga ng kinagabihan para makausap si Judie at ang buong grupo. Lakas loob siyang umamin sa bagay na noon ay itinatanggi niya.Nica. may bagay din siyang sinabi na kailangan niya ang tulong