“WALA yatang absent sa mga kumpare mo, hubby,” puna pa ni Tami nang makitang naroon ang lahat ng mga kaibigan nito. Kasama ng mga pamilyado na ang kani-kaniyang pamilya. Iyon ang araw ng gender reveal party nila. Syempre pa, hindi mawawala sa listahan ang kanilang mga magulang na excited na ring malaman ang gender ng bagong apo ng mga ito. “Pagmumultahin ni Teody ang wala ngayon. Kaya mga um-attend.” “Seryoso?” Tumango si KG. “Pero, para magtipon-tipon din ulit kami kaya sinikap nilang makapunta kasi mga busy na lalo ang iba sa mga ‘yan.” “Sabagay,” aniya pagkuwan ay napangiti. “Mga natakot magmulta.” “Ready na ang lahat. Puwede na nating simulan ang event ngayon.” “Okay,” sang-ayon niya sa kaniyang asawa. Naroon na naman ang lahat, maliban sa inimbitahan niya na as usual ay hindi