Akmang babawiin na niya ang kamay na nakayakap sa may baywang ni KG nang hawakan naman nito iyon. Para bang ayaw nito na bibitiw siya rito. “You’re thinking too much, Tami,” sa halip ay wika ni KG. “Bakit ayaw mong magtabi tayo sa pagtulog?” Hindi sumagot si KG. Malungkot na napangiti si Tami. Mahirap bang sagutin ang tanong niya? Idinikit niya ang noo sa likuran nito at ipinikit ang mga mata. Nanunuot sa kaniya ang masculine nitong amoy. Amoy na kinasanayan na nang kaniyang ilong. At bago pa niya makatulugan ang kaniyang pakay, kaya siya nasa silid na iyon, muli siyang nagmulat nang mga mata. Binawi na niya ang kamay na hawak ni KG. Pagkuwan ay pinaglandas pa iyon sa may dibdib nito pababa sa may puson nito. “Tami,” saway ni KG na muling hinawakan ang kamay niya. Napapapikit pa ito

