“Lola, bakit parang ni minsan po. Hindi ako… hindi po ako minahal ng ate ko? Kahit noong nakatira pa ako sa bahay. Iniisip ko na baka dahil sa age gap namin kaya mas gusto niyang kasama ang mga kaibigan niya kaysa makipag-bonding sa akin. Ever since po, nangarap ako noon na maging ka-close ang ate ko. Kasi pakiramdam ko, wala akong kapatid. Hindi ko siya maramdaman bilang isang kapatid. Lalo na noong ng ginawa niya sa akin ito.” Tumanaw sa malayo ang kaniyang lola. Parang may nais sabihin ngunit ipinasyang itikom ang bibig sa bagay na iyon, “Apo, simula nang dumating ka, parang nangibabaw na sa kaniya ang selos. Malayo ang age gap ninyo. Kaya noong dumating ka sa buhay ng mama’t papa ninyo, halos sa iyo na mas natuon ang atensiyon nilang mag-asawa. Siguro, pakiramdam ng kapatid mo na na-

