NAPABUNTONG-HININGA si Tami. Napakabilis talagang lumipas ng mga araw. Lalo na kung masaya kayong magkasama ng taong mahal mo. Pakiramdam niya’y napakabilis ding lumipas ng mga oras. Nakabalik na sila ni KG sa bahay nito sa Valle Encantado Village. Pero ang diwa ni Tami, para bang naiwan pa rin sa isla na kanilang pinanggalingan. Ang hampas ng alon sa dalampasigan, para bang nakakaringgan pa niya kapag ganoong nakatulala siya sa kawalan. Napakurap-kurap siya nang bumukas ang pinto sa kanilang silid. Nang magbaling siya roon ng tingin ay si KG ang nakita niyang pumasok. Galing ito sa study room. “Dinner is ready,” anito nang lapitan siya at maupo sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga. Yumuko pa ito para gawaran siya ng halik sa labi. “Nami-miss ko ang isla,” ungot niya sa asawa nang