Chapter 32-2

709 Words

May dalawa ring bangko na magkatapat at dalawang natatakluban ng stainless na panaklob na tiyak na pagkain ang laman. Kung ano iyon ay wala siyang ideya. Nang makarinig ng pagtikhim ay saka lang nagawang lumingon ni Tami. Nang pumihit siya paharap doon ay para na naman siyang tuod sa kinatatayuan nang makita si KG na bihis na bihis. Kay guwapo nitong lalo sa formal suits na suot nito. Nakasuklay pa ang buhok nito papunta sa likod ng ulo nito na lalong nagpasimpatiko sa dating nito. As if, he’s attending a romantic dinner date with his girlfriend. Hindi lang ang kaguwapuhan nito ang nakaagaw sa pansin niya. Dahil isa sa agaw atensiyon ang hawak nitong bulaklak na red roses. Na-speechless siyang lalo nang lumakad ito palapit sa kaniya at ibigay ang hawak nitong bungkos ng mga pulang rosas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD