NAPABUNTONG-HININGA si KG nang makita ang kaniyang asawa na nakatulog na habang nakahiga sa may kahabaang sofa sa may nursery room. Nakatulog na naman ito habang naggagantsilyo ng isang bonnet ng baby. Iyon ang nakahiligan nitong gawin, nang minsang mapadaan sila sa mall at mahagip ng tingin nito ang iba’t ibang design ng mga ginantsilyo na damit, bonnet, medyas at kung ano-ano pa. Gusto rin daw nitong gawin. At nang matuto, matapos magpaturo sa kasambahay nila na marunong niyon, hindi na tinantanan ang paggagantsilyo. Wala naman iyong problema sa kaniya dahil alam niyang nalilibang ang kaniyang asawa sa ginagawa nito. At higit sa lahat, gusto nito ang ginagawang bagong libangan. Inayos ni KG ang mga ginagamit ni Tami sa paggagantsilyo at ipinatong sa ibabaw ng cabinet. Pagkuwan ay maing