TINANGHALI na naman ng gising si Tami nang umagang iyon. Napabuntong-hininga pa siya habang nagto-toothbrush ng kaniyang ngipin. Hindi man lang niya magawang sabayan ng gising si KG katulad noon. Ngayon, siya palagi ang huling bumabangon. Mataas na ang sikat ng araw ngunit pikit pa rin siya. Habang ang asawa niya ay tapos ng gawin ang morning routine nito. Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na rin siya sa banyo. Ang haba ng tulog niya ngunit para pa rin siyang nanlalambot. At ang kama, nang balingan niya, ay animo nanghahalina na naman na higaan niya. Ipinilig niya ang ulo. “No, Tamara Mie. Masamang mapasobra ng tulog,” saway niya sa kaniyang sarili. “Buti naman at gising ka na,” nakangiti pang wika ni KG nang makita siya pagkapasok nito sa bumukas na pinto. “Good morning, hubby,” s